Naninindigan ang grupong South Luzon Bus Operators na dapat payagan ang dagdag pasahe sa bus sa pagbubukas ng 12 ruta bukas, ika-30 ng Setyembre.
Ito ay sa kabila ng nauna nang anunsyo ng Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) na walang taas pasahe sa pagbubukas ng mga biyahe mula probinsya.
Paliwanag ng grupo sa hirit na dagdag pasahe 50% lamang kasi ang pinapayagan na kapasidad ng pasahero na makakasakay sa bus kung saan kulang pa umano ito sa kanilang kinikita.
Hiling din ng grupo sa LTFRB na dagdagan pa ang bilang ng mga bus na maaaring makabiyahe at mga ruta nito.
Matatandaang nasa 200 at 86 na PUB lamang ang pinapayagan ng LTFRB na bumiyahe simula bukas, Setyembre 30.