Inaasahang magkakaroon ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong Nobyembre.
Ayon sa source ng DWIZ sa industriya, tinatayang nasa P0.65 hanggang P0.75 ang matatapyas sa kada litro ng Kerosene.
P0.80 naman hanggang P0.90 ang mababawas sa kada litro ng diesel.
Habang P0.75 hanggang P0.90 naman ang rollback sa kada litro ng gasolina.
Samantala, nagpatupad naman kahapon ang petron ng karagdagang P1.79 sa kada litro ng kanilang auto LPG at inaasahang susundahan pa ng ibang kumpanya ng langis.
Ang dagdag-bawas sa presyo ng langis ay bunsod pa rin ng paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan.