Mauunang mag-inspeksyon ng mga kargamento ang mga opisyal at tauhan ng Department of Agriculture at Department of Health kaysa Bureau of Customs.
Ito ang tiniyak ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol upang masiguro na hindi makalalabas ng customs ang mga inangkat na produktong agrikultura na may kahina-hinalang mga dokumento.
Binigyang diin ni Piñol na matutukoy nila sa inspeksyon kung may technical smuggling na nagaganap sa ipinapasok na produkto.
Aalamin din ng inspection team ng Department of Agriculture at DOH kung nakakasunod sa phytosanitary at sanitary regulations ang mga ipinapasok na produktong agrikultura sa bansa.
By: Avee Devierte