Halos malagpasan na ng cyber crime complaints sa unang walong buwan ng 2015 ang kabuuang bilang ng reklamo noong 2014.
Ayon kay Sr. Supt. Edwin Roque, Acting Director ng Philippine National Police Anti – Cybercrime group, ito ay matapos umabot na sa 517 ang bilang ng reklamo ngayong taon at ilan nalang ang kulang ay malalagpasan na nito ang 544 noong nakaraang taon.
Sinabi ni Roque na kabilang sa mga pangunahing uri ng cybercrime ay ang online scam, online libel, online threat, identity theft at ang anti – photo and video voyeurism.
By: Katrina Valle/ Jonathan Andal