Inatasan na ni Manila City Mayor Isko Moreno ang City Health Department na magkasa ng crack down sa lahat ng punerarya sa Maynila.
Ito ay matapos ma-aresto ang dalawang empleyado ng isang punerarya matapos nitong i-hold ang bangkay ng isang lalaki kapalit ng P360,000 sa pamilya nito.
Ayon kay Moreno, labis na nakadidismaya na maging sa mga punerarya ay talamak rin ang ganitong uri ng pangingikil sa publiko.
Kasabay nito, sinabi naman ni Moreno na ang kanyang kautusan ay upang matiyak na walang nilalabag na panuntunan ang mga punerarya.