Nanindigan ang Communist Party of the Philippines (CPP) na hindi nila lalabagin ang umiiral na tigil-putukan sa pagitan nila at ng pamahalaan.
Sa pahayag ng CPP, sinabi nitong walang basehan ang mga ulat na maglulunsad ng pag-atake ang New People’s Army (NPA) sa kabila ng umiiral na unilateral ceasefire.
Ayon sa CPP, walang magiging pag-atake ang NPA hangga’t umiiral ang napagkasunduang unilateral ceasefire na inaasahan magtatapos sa Abril 15.
Matatandaang, ang deklarasyon ng CPP-NPA ng unilateral ceasefire ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa kung saan minarapat na lamang ng rebeldeng grupo na mag-anunisyo ng tigil putukan dahil sa pandemyang kinahaharap ng bansa.
Una rito, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi seryoso ang cpp-npa sa napagkasunduang tigil putukan matapos na maganap ang sa rodriguez rizal pagitan ng militar at ng ilang hinihinalang miyembro ng rebeldeng grupo.
Gayunman, sinabi naman ng CPP na walang basehan ang mga akusasyon at dapat na mas tutukan na lamang ng pamahalaan ang pagtugon sa panganib na dala ng COVID-19.