Posibleng abutin ng limang taon ang COVID-19 vaccination program ng pamahalaan dahil sa taas ng demand ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., kabilang kasi sa mga challenges na posibleng kaharapin sa vaccination program ay ang supply at demand ng COVID-19 vaccine sa pandaigdigang merkado.
Aniya, kadalasan kasing 5 milyon lamang ang nababakunahan taon-taon sa ilalim ng mga immunization program.
Sinabi pa ni Galvez, target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 60 hanggang 70 milyong mga Filipino sa loob ng limang taon.
Sa ngayon, itinuturing na aniyang best case scenario ng gobyerno na masimulan ang mass vaccination program sa second quarter ng 2021.