Posibleng airborne nga o naipapasa sa hangin ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa pinakabagong update mula sa Center for Disease Control (CDC), bagama’t hindi nito tuluyang kinumpirma ay ibinabala naman nito na posibleng mahawa ang isang indibidwal ng COVID-19 sa pamamagitan ng transmission ng virus sa hangin.
Ayon sa CDC, maari kasing mahawa ang isang indibidwal sa COVID-19 kung nagkaroon ito ng exposure sa droplets, particles, aerosol na kontaminado ng nasabing virus dahil tumatagal ito sa hangin ng ilang oras.
Sinabi ng CDC, sa oras na tumagal na sa hangin ang virus ay maari nitong mahawaan ang isang indibidwal kahit na may layo pa itong anim na talampakan.
Paliwanag pa ng CDC, posible ring manatiling kontaminado ang hangin at lugar ng virus kahit na wala na o umalis na ang isang COVID-19 infected individual.
Dagdag pa CDC, mataas ang tsansa ng airborne transmission ng COVID-19 sa kulob na kuwarto o yung may hindi maayos na ventilation.