Nagmitsa na ng pandaigdigang krisis pang-ekonomiya ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) global pandemic.
Ayon sa report ng International Monetary Fund (IMF), bumagsak sa 4.9% ang global gross domestic product (GDP) dahil sa epekto ng COVID-19.
Ito ay matapos na magsara ang mga negosyo na nagresulta naman sa pagkawala ng milyun-milyong mga trabaho.
Inaasahan din na aabot sa $12-trilyon ang malulugi sa ekonomiya ng buong mundo dahil sa COVID-19 na labis na makaaapekto sa mga ordinaryong mamamayan at mga mahihirap.
Ibinabala din naman ng IMF na posibleng maging mas magabal sa inaasahan ang pagbangon ng ekonomiya dahil sa tindi ng epektong dulot ng COVID-19.