Tiniyak ng pamahalaan na aarangkada na sa Pebrero ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) mass vaccination program sa bansa.
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., magkakaroon kasi ng maagang roll out ng humigit kumulang 1-milyong dose ng bakuna sa susunod na buwan.
Sinabi ni Galvez, magmumula ang mga nasabing dose ng bakuna mula sa Astrazenica, Pfizer mula sa COVAX facility, at Sinovac.
Sa ngayon, inamin ni Galvez na patuloy ang negosasyon ng pamahalaan sa pitong vaccine manufacturer.
Matatandaang nasa 148-milyong dose na COVID-19 vaccine ang target na makuha ng pamahalaan para sa pagbabakuna ng nasa 70-milyong mga Pilipino.