Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi maaaring maipasa ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa pamamagitan ng blood transfusion o pagsasalin ng dugo.
Ito ay matapos na muling magpositibo si Senator Sonny Angara, na nauna nang nakarekober sa COVID-19.
Ayon kay Health undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang transmission ng COVID-19 ay sa respiratory system at naipapasa lamang ito sa pamamagitan ng droplets kapag nagkaroon ng in-close contact sa positibong pasyente.
Aniya, maaaring nasa katawan parin ni Angara ang virus, ngunit hindi naman nangangahulugan na nakakahawa parin ito.
Samantala, magugunitang nakatakda sanang magdonate ng blood plasma si Senator Angara para sa ikalawang pagkakataon ngunit nang kuhanan muli sya ng swab test ay muli itong nagpositibo sa COVID-19.