Malabo pang maging coronavirus disease 2019 (COVID-19)-free ang Pilipinas pagsapit ng Pasko.
Ito ay kahit na halos nagpapaligsahan na ang mga drug manufacturer at iba’t ibang bansa sa paglikha ng bakuna para sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Jaime Montoya, executive director ng Philippine Council for Health Research and Development ng Department of Science and Technology, marami pang proseso ang pagdaraanan ng mga ginagawang bakuna.
Aniya, mas kapani-paniwala kung sasabihin na sa susunod na taon pa maidedeklara na COVID-19-free ang bansa.