Nakapagtala pa ng 10 panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan ng Zamboanga Del Sur.
Dahil dito, sumampa na sa 18 ang kaso ng COVID-19 sa lalawigan.
Ayon kay Dalia Aseniero, health education and promotion officer ng Integrated Provincial Hospital sa Zamboanga Del Sur, siyam sa 10 panibagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ay mga locally stranded individuals (LSIs) mula sa Cebu City at Metro Manila.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Aseniero na naka-isolate na ang mga nasabing pasyente.
Sa ngayon, nananatili naman ang Zamboanga Del Sur bilang pangalawang may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Region 9 –sumunod sa Zamboanga City na mayroong 195 kaso ng COVID-19.