Hindi pang modified general community quarantine (MGCQ) ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Metro Manila at Cebu City.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung pagbabatayan lang aniya ang kaso ng COVID-19 kung luluwagan ba o muling hihigpitan ang lagay ng quarantine sa mga naturang lugar.
Gayunman, nilinaw naman ni Roque na ang mga lugar na isasailalim sa MGCQ ay papayagan na ang public gatherings ng hanggang 50% habang ang transportasyon naman ay ipagpapalagay sa 50% hangggang 100%, gayundin sa iba pang lugar gaya ng sinehan at simbahan.
Samantala, nilinaw naman ni Roque na si Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang magdedesisyon kung ano ang ipatutupad nito sa ika-16 ng Hunyo.
Nakatakda naman aniyang magbigay ng mensahe ang pangulo sa bayan ngayong Lunes ng gabi.