Nadagdagan pa ng 70 ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Cebu City.
Batay sa pinakahuling ulat ng Cebu City Health Department, nasa kabuuang 4,607 na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Sa bilang na ito, nasa 2,167 ang aktibong kaso ng COVID-19.
Sa ngayon nasa 2,321 ang bilang ng mga nakarekober habang nasa 119 naman ang death toll.
Sa ngayon, nananatili ang Cebu City bilang lugar sa Pilipinas na may pinakamaraming kaso mg COVID-19 at nag-iisang lugar na nakasailalim sa enhanced community quarantine.
Samantala, isinailalim na naman ni Department of Environment and Natural Resources Roy Cimatu ang 12 barangay sa Cebu City sa hard lockdown.