Humigit pa sa 20,000 ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ay batay sa pinaka-huling tala ng Department of Health (DOH), naitala na ang kabuuang 20,382 na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa bilang na ito, nasa 313 ang itinuturing na fresh cases, habang nasa 321 naman ang mga late cases.
Nasa 4,248 naman ang bilang ng mga nakarekober, at nasa 984 naman ang bilang ng mga nasawi.
Una rito, sinabi ni COVID-19 Response Deputy Chief Implementor Vince Dizon na nasa apatnapu’t isang libo na ang COVID-19 testing capacity sa bansa kung kaya’t kaya na rin isailalim ng pamahalaan ang mga asymptomatic patients o ‘yung mga indibidwal na hindi naman nakararanas ng anumang sintomas ng COVID-19.