Posibleng pumalo ng 500,000 ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas bago matapos ang taong kasalukuyan.
Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto mula sa U.P. OCTA Research, posibleng umabot ng 470,000 hanggang 500,00 ang kaso ng COVID-19 sa bansa pagsapit ng Disyembre 31.
Ito ay dahil nasa tumaas anila ng .88 percent ang reproduction ng kaso ng COVID-19 sa bansa, ngunit mababapa rin naman ito sa critical level na 1.
Sinabi ng mga eksperto mula sa UP OCTA Research na kabilang ang NCR, Davao Del Sur, Negros Occidental, Pampanga, Bulacan, Misamis Oriental at Western Samar sa mga maituturing na areas of concern dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.
Habang itinuturing namang high-risk ang Makati, Lucena, Batangas, Davao at pagadian dahil sa mabilis na hawaan ng COVID-19 sa mga nabanggit na lugar.