Nasa kritikal na lebel na ang 11 mga ospital sa Metro Manila.
Batay sa report ng Department of Health (DOH), nasa critical level na ang 11 sa 127 mga ospital sa National Capital Region (NCR), simula pa noong Nobyembre 27.
Sa 11 mga nasa critical level, anim sa mga ito ang naabot na ang kanilang 100% bed occupancy rate na kinabibilangan ng mga sumusunod na ospital:
- Alabang Medical Clinic
- Bernardino General Hospital II
- Zarate Hospital
- Mary Chiles General Hospital Inc.
- Novaliches District Hospital
- Philippine Children’s Medical Center
Ayon sa DOH, itinuturing na critical level ang isang ospital sa oras na maabot na nito ang 85% ng bed occupancy rate para sa mga COVID-19 patients.