Nababahala si Cong. Martin Romualdez, para sa mga nasalanta ng pananalasa ng bagyong Ineng, sa Hilagang Luzon.
Ayon kay Romualdez, ito ay dahil baka abutin din ng taon–taon ang pagpapahatid ng tulong para sa mga ito, katulad ng nangyari sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.
Inihalintulad din ni Romualdez sa isang pasyente na matagal nang nakatengga sa emergency room ang Tacloban, kung saan matapos ang matagal na panahon ay saka lamang unti – unting naibibigay ang mga pangangailangan nito.
“Emergency yun, dapat noong nakaraang taon pa. Patay na yung mga pasyente, ngayon lang sila mag e-emergency treatment.” Paliwanag ni Romualdez.
By: Katrina Valle