Naniniwala si COMELEC Chairman Andres Bautista na baka may katotohanan aniya ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng magamit ang drug money sa Barangay at SK elections.
Sinabi ito Bautista sa panayam ng DWIZ, kasunod ng pagkabahala ni Pangulong Duterte na maiimpluwensiyahan ng perang mula sa droga ang resulta ng eleksyon sa October 31.
Samantala, sinabi rin ni Bautista na Anim na Bilyong Piso ang nakatalagang budget para sa October elections.
At sa Martes aniya ay haharap sila sa Kamara upang pag-usapan ang nasabing budget.
Muli niya ring binigyang diin na matuloy man o hindi ang halalan sa Oktubre ay tatalima ang COMELEC dito, basta’t huwag lamang aniyang ilapit sa 2019 midterm elections.
“A well, doon po sa unang dahilan, ay baka meron pong katotohanan, doon po sa pangalawa, kung ipagpapaliban natin, basically nililipat mo lang, kami ok lang kahit na ano ang sabi ko nga ang aming paki usap lang kung ating ipag papaliban huwag lang itatabi doon sa May 2019 midterm election, kasi yun panukala ni Sen. Cayetano ipapaliban sa October 2018 sa aming palagay masyadong malapit yun sa May 2019, kaya kami nung tinanong ano yung tamang petsa ang sabi namin basta sa 2017 Ok yun.” si COMELEC Chairman Andres Bautista, sa panayam ng DWIZ.
By: (Reporter No. 25) Allan Francisco