Tinapos na ng Colombia at Farc rebels ang kahalating siglo nilang labanan.
Sa pamamagitan ito ng makasaysayang pagkakabuo sa final peace agreement makaraan ang apat na taong pag-uusap sa Cuba.
Sa Sandaling malagdaan ang peace agreement, bababa na mula sa kabundukan ang mga mandirigma ng Farc patungo sa disarmament camps na itinatag ng United Nations, isa sa mga namomonitor ng ceasefire sa pagitan ng Colombian goverment at Farc.
Gayunman, ang mga nasasaad sa peace agreement ay kailangang isalang sa referendum at aprubahan ng taongbayan.
Ang labanan ng Colombia at Farc na nagsimula pa noong 1964 ang pinakahuling major armed conflict sa Amerika na kumitil na sa mahigit 260,000 buhay.
By Len Aguirre