Labis na ikinababahala ng Commission on Human Rights (CHR) ang serye ng patayan sa lalawigan ng Negros Oriental.
Ito’y ayon kay CHR spokesperson Jacqueline De Guia. Matapos umabot sa 21 ang naitalang napatay sa naturang probinsiya sa loob lamang ng mahigit isang linggo.
Aniya, nagpadala na sila ng mga tauhan sa Negros upang imbestigahan ang karumal-dumal na serye ng pagpatay sa mga pulis, abogado at guro.
Paliwanag ni De Guia, hindi rin naman isinasantabi ng CHR na posibleng rebeldeng grupo ang nasa likod ng mga naturang krimen.
Sa ngayon, umaasa naman ang CHR na makikipag tulungan sa kanila ang mga otoridad na nagsasagawa rin ng imbestigasyon para mabigyan ng hustistya ang mga biktima at maparusahan ang mga suspek.