Hindi naitago ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang kaniyang pagkadismaya sa lumalalang trapik sa Metro Manila.
Ayon sa Cardinal, tamang asal sa kalsada at tamang urban planning ang kailangan para maresolba ang malubhang problemang ito.
Kasunod nito, umapela si Tagle sa mga nasa likod ng urban planning na unahin ang pagpaplano at pagsasaayos ng kalye. Gayundin ang pagkontrol sa paglalabas ng mga bagong sasakyan upang mabawasan ang bilang nito sa lansangan.
Umaasa naman ang kardinal na kikilos ang gubyerno para ayusin ang lumulubhang public transport system sa bansa
By: Jaymark Dagala