Nahirapan ang mga bumbero sa Australia na apulahin ang nagpapatuloy na bushfires sa East Coast dahil sa mataas na temperatura at malakas na hangin.
Ayon kay NSW Rural Fire Service Deputy Commissioner Rob Rogers, malaki ang tiyansang mas lumawak pa ang bushfire.
Itinuturo namang dahilan ng mga eksperto ang climate change na nagsimula ng matinding pagtuyot at sunog.
Samantala, magugunitang noong buwan pa ng Setyembre nang nakaraang taon nagsimula ang Australia bushfires na kumitil sa 33 katao, libu-libong hayop at ikinasunog ng mahigit 2,500 kabahayan sa nasabing bansa.