Tatagal pa hanggang bukas, Miyerkules ang brownout sa unang distrito ng Ilocos Sur at buong Ilocos Norte.
Ito ayon kay National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Spokesperson Lilibeth Gaydowen ay dahil tatagal ng tatlong araw ang repair sa nasirang transmission line tower sa sta maria dahil sa bagyong Ineng.
Umaasa naman ang NGCP na tuluyang gaganda ang panahon sa mga nasabing lalawigan para mabilis ding maibalik ang isandaang porsyentong supply ng kuryente rito.
No power shortage sa Visayas
Samantala, walang banta ng posibleng power shortage sa Visayas region.
Ayon ito kay dating Energy Secretary Jericho Petilla kaya’t nasa yellow alert ang estado ng kuryente sa nasabing rehiyon.
Sinabi ni Petilla na wala namang madalas na brownout sa Negros Occidental maliban lamang sa tinatawag na tripping off ng kuryente na dahil sa linya at hindi sa supply.
Ipinabatid pa ni Petilla na ang peak demand sa Visayas ay sa gabi samantalang tanghali naman ang peak demand sa Maynila.
Iginigiit pa rin ni Petilla na bagong power plants ang sagot sa patuloy na supply ng kuryente sa Visayas sakaling magkaruon ng problema sa mga susunod na araw.
By Judith Larino