Inirekomenda ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagkakaroon ng break o bakasyon ng mga hospital frontliners, habang hindi pa kritikal ang hospital capacity sa bansa.
Ayon kay Roque, dapat itong ikonsidera ng mga ospital habang nasa 50% palamang ang utilization rate ng mga health facilities.
Nang sa gayon din aniya ay makapagpahinga na rin ang mga hospital frontliners.
Samantala, sinang ayunan rin ito ni National Task Force Against COVID-19 (NTF) Chief Implementer Carlito Galvez Jr., at kanila ring irerekomenda sa One Hospital Command.
Matatandaang lumalabas sa datos ng Department Of Health (DOH) kahapon, bumaba na ng halos 48K ang active COVID-19 infections sa bansa.
Ang pinakamataas namang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 ay naitala noong Agosto 15 kung saan pumalo ito ng 88k.