Tiniyak ni Senator Christopher Bong Go na nakatutok si Pangulong Rodrigo Duterte sa sitwasyon ng bagyong Rolly.
Ang pagtiyak ng senador ay kasunod ng pag-trending sa social media ng #nasaanangpangulo.
Ayon kay Go, patuloy nilang minomonitor ng Pangulo na sana Davao City ang lagay ng mga residenteng naaapektuhan ng bagyo.
Sa katunayan aniya ay inatasan na din ng Pangulo ang iba’t ibang sangay ng gobyerno na maging handa sa pagreresponde sa mga mangangailangan ng anomang tulong.
Gaya aniya ng Department of Public Works and Highway (DPWH) na mangangasiwa ng pagkukumpuni sa mga nasirang tulay at kalsada habang ang Department Of Energy (DOE) naman ay para sa pagkumpuni sa mga nasirang poste ng kuryente.
Bukod dito, handa na rin aniya ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa relief at financial assistance sa mga pamilyang matinding naapektuhan ng bagyong Rolly.
Samantala, nakatakda naman aniyang bumalik sa Maynila si Pangulong Duterte bukas, araw ng Martes.