Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang siyentipikong ebidensya na nakapapatay ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang steam inhalation.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi nkagagamot sa COVID-19 ang paglanghap ng steam gayung mas pinararami pa nito ang secretion sa ilong na posibleng mas maging lantad ang isang indibidwal sa sakit sa pamamagitan ng pagbahing o pag-ubo.
Pinapaalalahanan naman ni Vergeire ang mga nais pa ring magtuloy ng steam inhalation na mag-ingat lalo na sa pagkapaso o sunog.
Aniya, sakaling manatili o lumala pa ang nararamdamang sintomas ay dapat na kumonsulta agad sa doktor.
Samantala, hinihimok naman ni Vergeire ang publiko na mas epektibo pa ring paraan upang maging ligtas sa banta ng COVID-19 ang palagiang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask, pagsunod sa social distancing at pagtakip sa ilong at bibig tuwing uubo o babahing.