Bumababa na ang reproduction rate o bilis ng pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ayon sa OCTA research team.
Gayunman, hindi pa umano kasama dito ang posibleng epekto sa bilang dahil sa isinagawang pagdiriwang ng pista ng itim na Nazareno.
Ayon sa OCTA research group, ang reproduction number ngayon sa NCR ay nasa 1.07 mula sa 1.08 noong Martes.
Ang naitala namang reproduction rate sa buong Pilipinas ay nasa 1.13 na mula sa 1.15 noong Martes.
Ayon kay UP Professor Guido David, maaari nang ilagay sa ilalim ng new normal ang ilang mga lugar sa bansa gaya ng plano ng gobyerno gayunman dapat umanong tiyakin na ito’y pawang mga low risk areas lamang.