Umakyat na sa 56 ang bilang ng mga nasawi sa buong Nigeria mula nang magsimula ang end SARS protest noong Oktubre 8.
Ang malawakang kilos protesta ay bunsod ng pagtaas ng kaso ng kidnapping, harassment at extortion ng kontrobersyal na police unit na tinaguriang “SARS” o Special Anti-Robbery Squad.
Umaapela naman si Nigerian President Muhammadu Buhari na itigil na ang kilos protesta at pa-iralin ang pagiging kalmado.
Samantala, kinondena naman ng maraming bansa sa pangunguna ng Estados Unidos ang nangyayari ngayong sagupaan sa pagitan ng protesters at kapulisan sa Nigeria.