Na-antala ang pagpapababa sa kurba ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Atty. Harry Roque, kung saan sinabi nitong nag-umpisa na kasing ma-flatten ang curve ng COVID-19 cases sa bansa noong buwan ng Abril dahil sa pag iral ng enhanced community quarantine (ECQ).
Sinabi ni Roque, tumaas kasi ang kaso ng COVID-19 simula nang luwagan na lamang ang mga ipinatutupad na quarantine protocols.
Anya, nangangahulugan lamang ito na epektibo ang ECQ at modified ECQ.
Gayunman, nilinaw rin ni Roque na dumami ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa simula ng paigitingin ng pamahalaan ang COVID-19 testing.