Ipinasara na ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa dahil sa hindi pagbabayad ng franchise tax.
Sa isang pahayag, sinabi ng BI na ito ang kauna-unahang POGO na kanilang ipinasara sa bansa matapos umabot sa P114-M ang halaga ng utang nitong buwis sa pamahalaan.
Batay sa mga ulat, aabot sa 50, sa 60 POGO sa Pilipinas ang hindi nagbabayad nang karampatang buwis kung saan pumapalo na sa P50-B ang halaga ng buwis na hindi nababayaran ng POGO sa gobyerno.