Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) laban sa pagkain ng shellfish sa siyam na lugar sa bansa dahil sa panganib ng red tide.
Ayon sa BFAR, nag positibo kasi sa paralytic poison kaya’t hindi ligtas na kainin ng tao ang lahat ng uri ng shellfish at alamang na makukuha sa mga sumusunod na lugar:
- Puerto Princessa Bay sa Palawan
- Irong-Irong Bay sa Western Samar
- Silanga Bay sa Western Samar
- San Pedro Bay sa Western Samar
- Cancabato Bay sa Tacloban City
- Lianga Bay sa Surigao Del Sur
- Coastal Waters ng Pampanga
- Coastal Waters ng Bataan
- Coastal Waters ng Dauis at Tagbiliran City sa Bohol
Gayunman, nilinaw naman ng BFAR na ligtas na kainin ng tao ang mga isda at hipon mula sa mga nasabing lugar ngunit kailangan munang siguraduhin na nalinis ito ng mabuti.