Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).
Sa botong 242 na pabor, anim na pag-tutol, at walang absentation ay aprubado na rin sa mababang kapulungan ng Kongreso ang Bayanihan 2 na siyang supplement measure at ikalawang stimulus package sa pagtugon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa ilalim ng bersyon ng kamara ng Bayanihan 2 ay aabot sa P162-billion ang inilaang standby fund para sa response measures ng pamahalaan sa COVID-19 crisis na maaring magamit mula setyembre hanggang Disyembre ngayong taon.
Mas mababa naman ang standby fund ng Senado kumpara sa Kamara na aabot lamang sa P14- billion.
Sa susunod na linggo naman ay inaasahang maisalang na sa bicameral conference committee ang Bayanihan 2.