Tiniyak ng pamahalaan na walang dagdag na bayad ang bagong passport na ilalabas ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon kay Jimbo Aldaba, General Manager ng Apo Production Unit, ang nag-iimprenta ng passport booklets, mananatili sa kasalukuyang presyo na 950 pesos ang bayad sa pagkuha ng pasaporte.
Sinabi ni Aldaba na upgraded na ang lahat ng security features ng bagong Philippine passport batay sa standards ng ICAO o International Civil Aviation Organization, maliban lang sa coding ng eye retina.
Bahagi ng pahayag ni Mr. Jimbo Aldaba
Maliban sa mas mahigpit na security features, makikita rin sa bawat pahina ng booklet ang kultura sa bawat rehiyon ng Pilipinas.
Sa ngayon, sinabi ni Aldaba na nasimulan na nila ang pag-imprenta ng mga passport booklets at nasa kamay na ng Department of Foreign Affiars (DFA) kung kelan nila ito ire-release sa mga kumukuha o nagre- renew ng pasaporte.
Bahagi ng pahayag ni Mr. Jimbo Aldaba
By Len Aguirre | Ratsada Balita
Photo Credit: Presidential Communications Office