Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magpapadali sa proseso nang pag-aampon o ang Simulated Birth Certification Act.
Sa ilalim ng bagong batas na ito, bibigyan ng amnestiya ang mga nagmanipula ng birth record ng mga bata.
Nakasaad din sa batas na ito na sa loob ng sampung taon ay dapat maghain ang aplikante ng “petition for adoption” at “application for rectification of simulated birth record” sa DSWD para maging ligal na ang pag-aampon.
Mahalaga rin namang mapatunayan ng isang aplikante na siya ay Filipino na nasa legal na edad, may kapasidad na mag-alaga ng bata, at hindi pa nakukulong sa anumang kaso.
Sakaling maaprubahan, mabibigyan ng bagong birth certificate ang bata at matatamasa nito ang mga karapatan at pribilehiyo ng isang lehitimong anak, alinsunod sa batas.
Sa ngayon, inatasan din ni Pangulong Duterte an DSWD, DOJ at DILG na bumalangkas ng implementing rules and regulations para sa nasabing batas.