Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi naman sakop ang mga balik-mangagawa sa limit na ipinatutupad ng DOLE para sa deployment ng mga health workers sa labas ng bansa.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, para lamang kasi sa mga new hires ang 5,000 limit sa deployment ng mga health workers sa labas ng Pilipinas.
Sinabi ni Bello, hindi naman aniya permante ang cap na ito dahil nais lamang aniyang matiyak ng pamahalaan na mayroong sapat na health care workers sa bansa dahil sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Matatandaang nito lamang Sabado nang bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinatupad na deployment ban sa mga health care workers.