Lumakas pa at isa ng typhoon ang Bagyong Rolly.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong rolly sa layong 1,200 km sa silangang bahagi ng Central Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 km/h malapit sa gitna at pabugsong nasa 150 km/h isandaan at limampung kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pakanluran sa bilis na 20 km/h.
Inaasahang maglandfall ang bagyo sa linggo ng gabi o Lunes ng umaga sa Aurora at sa bayabayin ng Central at Northern Luzon.
Mararanasan naman ngayong umaga ang mahina hanggang sa katamtamang na may paminsang-minsang malalakas na pag-ulan sa bahagi ng Bicol, at Eastern Visayas.
Samantala, ibinabala rin ng pagasa na posible pang lumakas ang bagyong Rolly bago pa man ito mag-landfall at maari ding itaas ang tropical cyclone wind signal 3 hanggang 4.
Sa ngayon, binabantayan din naman ng pagasa ang isa pang tropical depression sa labas ng PAR na mayroong international name na Atsani at tatawagin itong bagyong Siony sa oras na pumasok sa bansa.