Nasawi ang 13 habang nawawala naman ang 40 katao sa pananalasa ng typhoon Molave o bagyong Quinta sa Quang Nam Province sa Vietnam.
Mayorya sa nasawi ay bunsod ng nangyaring pagguho ng mga lupa dahil sa lakas ng pag ulan.
Itinuturing naman ng Vietnam government ang typhoon Molave bilang isa sa pinakamalakas na bagyo na tumama sa kanilang bansa matapos ang halos isang dekada.
Ayon kay Vietnam Prime Minister Trinh Dinh Dung, may kakayahan ang kanilang bansa na malaman kung saan at kelan dadaan ang bagyo ngunit wala umano silang kakayahan na malaman kung may mga mangyayaring pagguho ng lupa.
Sa ngayon ay nagdeploy na ang pamahalaan ng Vietnam ng kasundaluhan para tumulong sa search and rescue operations sa Quang Nam Province na pinaka-tinamaan ng hagupit ng bagyong Molave.