Bahagyang humina ang bagyong Ineng habang patuloy na kumikilos papalapit sa Batanes Group of Islands.
Huli itong namataan ng PAGASA sa layong 125 kilometro sa hilagang silangan ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 160 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 195 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pa-hilaga hilagang-silangan sa bilis na 9 na kilometro kada oras.
Nakataas ang storm signal # 3 sa Batanes, Calayan at Babuyan Group of Islands.
Ang storm signal # 2 naman ay nakataas sa Cagayan, Apayao at Ilocos Norte, habang nananatili naman na nakataas ang storm signal # 1 sa Isabela, Kalinga, Mt. Province, Abra, at Ilocos Sur.
By Katrina Valle