Mas lumakas pa ang bagyong Ambo at isa nang ganap na typhoon.
Ayon sa pinakahuling severe weather bulletin ng Pagasa, idineklara nang typhoon ang sama ng panahon dakong 8 p.m. kagabi.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 245 kilometro ng silangan, hilagang-silangan ng Borongan City, Eastern Samar o 325 kilometro naman mula sa silangang bahagi ng Catarman, Northern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 130 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 160 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong kanluran na may bilis na 15 kilometro kada oras.
Dahil dito, itinaas na ng Pagasa ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) sa mga susunod na lugar:
Signal no. 1
- Camarines norte
- Camarines sur
- Albay
- Sorsogon
- Catanduanes
- Masbate
- Nalalabing bahagi ng Eastern samar
- Nalalabing bahagi ng Samar
- Biliran
Signal no. 2
- Northern Samar
- Northern portion ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Maslog, Dolores, Oras, San Policarpio, Can-Avid, Taft)
- Northern portion ng Samar (Calbayog City, Sta. Margarita, Gandara, Pagsanjan, San Jorge, Matuguinao, San Jose de Buan)
Samantala, inaasahan namang mararanasan ngayong araw ang katamtaman hanggang mabigat na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Eastern Visayas, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate.