Binunyag ng Department of Health (DOH) na noong Disyembre 2020 pa nakapasok sa bansa ang bagong variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Dr. Alethea De Guzman, medical specialist iv ng epidemiology bureau ng DOH, ito ang panahon na hindi pa natutukoy na may bagong variant ng COVID-19.
Aniya, sa kabuuang 17 na kaso ng B.1.1.7 variant ng COVID-19 sa bansa, isang specimen sa mga ito ay nakolekta nila noong ika-10 pa ng Disyembre na nagmula sa 23-anyos na lalaki mula sa Laguna.