Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang bagong silang na sanggol sa Cebu City.
Ayon sa Department of Health (DOH) – Central Visayas, ang sanggol ay kabilang sa pitong bagong kaso na naitala ng lungsod, kahapon.
Anila, ang ina ng sanggol ay nakaramdam ng sintomas ng COVID-19 habang naglalabor ngunit nagnegatibo naman ito sa sakit.
Patuloy namang iniimbestigahan ng DOH kung paano nagpositibo sa COVID-19 ang sanggol.
Samantala, sinabi naman ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na bukod sa sanggol ay kabilang sa mga bagong naitalang kaso ang dalawang bilanggo mula sa city jail.
Sa ngayon, 203 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas at sa Cebu City ang may pinakamataas na bilang na umabot sa 172, sinundan naman ng Lapu-Lapu City na may 13 kaso, habang siyam naman sa Mandaue City.