Inaasahang iaanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang bagong quarantine classifications na ipatutupad sa buong bansa simula bukas, ika-16 ng Hulyo.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasabay ng pahayag nito hinggil sa pagsasapinal ng Inter-Agency Task Force sa kanilang rekomendasyon sa apela ng ilang lokal na pamahalaan kaugnay sa posibleng quarantine status.
Samantala, nakatakdang matapos ngayong araw ang umiiral na enhanced community quarantine sa Cebu City at general community quarantine naman sa Metro Manila.