Sinimulan na ng Department Of Health (DOH) na isailalim sa pag-aaral ang pagkuha ng laway sa COVID-19 testing gaya ng ginagawa ngayon sa Japan.
Ayon kay Health Unsersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroong nagpresenta sa kanila na mga health experts sa pagkuha ng laway.
Aniya, noong una ay ginagamit itong specimen na hahalili sa kinukuhang sampol sa lalamunan o ilong para sa RT-PCR test at ikalawa ay direktang isasailalim ito sa testing.
Dagdag pa ni Vergeire, na sa pag-aaral ay aalamin kung magagamit ang laway sa RT-PCR test upang mas mapadali ang proseso ng pagsasaillaim sa test ng mga pasyente ng COVID-19 kaysa sa pagkuha ng sampol sa ilong o lalamunan.
Samantala, kinumpirma naman ng kalihim na bumagsak sa pamantayan ang SD Biosensor antigen test kits na mula sa Korea sa ginawang diagnostic performance ng DOH.
Dahil mula sa pamantayan ng World Health Organization (WHO), kinakailangang mayroong 80% sensitivity at 90% specifity ang isang antigen test kit, ito’y kung saan ang SD Biosendor ay nakapagtala lamang ng 71% ng sensitivity.