Nagbigay ng pahayag ang bagong hepe ng Bureau of Corrections na si Retired Senior Superintendent Benjamin Delos Santos hinggil sa bagong reporma sa New Bilibid Prison.
Ayon kay Bucor Chief Delos Santos, plano nitong ipatupad kaagad ang 2013 modernization law o Republic Act 10575 para mapaganda pa ang pambansang piitan.
Napabayaan, aniya, ito kaya lumaganap doon ang transaksyon ng iligal na droga kahit pa natatanuran ng mga jailguard.
Binigyang pansin ni Delos Santos na tila nabalewala ang Bucor sa nakalipas na panahon gayong isa ito sa tinaguriang Five pillars of justice system na inaasahang makapagrereporma sa mga bilanggo.
Mahalaga, aniya, ang reporma sa Bureau of Corrections dahil dito magsisimula ang rehabilitasyon para sa mga inmate na nagkasala sa batas.
Plano rin ng bagong Bucor Chief na magpapatayo ng bagong kulungan na nagkakahalaga ng 50 Milyong Piso.
Ipatatayo aniya ito sa Fort Magsaysay.
By: Avee Devierte