Nakatakda nang desisyunan sa Sabado ng Inter Agency Task on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang ipatutupad na quarantine protocols sa NCR plus bubble.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, magsasagawa ng pagpupulong ang IATF sa sabado upang pag-aralan ang nararapat na quarantine measures na ipatupad sa Metro Manila, Laguna, Cavite , Bulacan, at Rizal.
Ito ay matapos na isailalim ang NCR plus bubble sa enhanced community quarantine (ECQ) mula Abril 4, at pinalawig pa ng isang linggo hanggang sa abril a onse dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Una rito, matatandaang isinasantabi na ng Malacañang ang muling pagpapalawig pa ng ECQ sa NCR plus bubble dahil dalawang linggong ECQ lamang anila ang inirerekumenda ng mga eksperto upang makontrol ang pagkalat mg virus.