Desidido si Interior Secretary Eduardo Año na kasuhan ang mga nasa likod ng kumakalat na infographic kung saan sinasabi umano ng kalihim na kailangan ng physical distancing pagtapos magtalik ang mag-asawa upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Partikular na itinuturo ng kalihim ang kumakalat niyang photo quote kung saan sinabi niya umanong “after mag-sex, dapat may distancing din”, iba sa totoo nitong pahayag na “sa bahay, dapat may social distancing din”.
Dahil dito, ang sinomang mahuhuli na nasa likod ng nagpapakalat ng maling infographic ay makakasuhan sa paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 na may kaparusahang hanggang anim na linggong pagkakakulong at multang aabot sa P40,000 hanggang P200,000.
Samantala, muli namang iginiit ni Año ang pagsusuot ng face mask o face shield sa loob ng bahay.