Alam mo bang may isang uri ng mental health condition kung saan ang isang tao ay madalas naghahanap ng pansin at nagpapakita ng labis na emosyonal na pag-uugali?
Ito ay tinatawag na histrionic personality disorder (HPD).
Ang taong may HPD ay karaniwang nagiging dramatic o madaling naaapektuhan ng opinyon ng iba.
Maaaring sanhi ito ng pinagsamang dahilan tulad ng genetic factors, karanasan sa pagkabata tulad ng kakulangan ng atensyon, at impact ng kapaligiran sa paghubog ng pagkatao.
Walang tiyak na gamot para sa HPD, ngunit ang psychotherapy o talk therapy ay epektibong paraan upang matulungan ang pasyente na maintindihan ang kanilang ugali at makabuo ng mas malusog na paraan ng pakikisalamuha.
Mahalaga rin ang suporta ng pamilya at mga kaibigan upang mapaayos ang emosyonal na kalagayan ng apektado.
Ang maagap na pagkilala at patuloy na pagkonsulta sa mga espesyalista ay susi upang makamit ang mas mabuting mental health.—sa panulat ni Daniela De Guzman




