Itinaas na ng PHIVOLCS sa alert level one ang babala sa Mt. Bulusan, ngayong araw.
Ito ay matapos makapag tala ang ahensiya ng mga pagbabago sa aktibidad ng bulkan.
Batay sa abiso ng PHIVOLCS, tumaas ang seismic activity ng mt. bulusan kung saan pumalo na sa labing anim na volcanic earthquake ang naitala ng PHIVOLCS.
Dagdag pa ng PHIVOLCS, tumaas din ang temperatura sa mga bukal at ang inilalabas na puting usok ng bulkan.
Kaugnay nito, pinayuhan rin ng ahensiya ang mga otoridad ng civil aviation na delikadong lumipad ang mga eroplano sa bulkan dahil sa inilalabas nitong abo.
Ang pagtatas sa alert level one ay nangangahulugang posibleng may hydrothermal process sa ilalim ng bulkan na maaring magdulot ng steam driven eruptions.